top of page

HIRAYA

 

Ang Hiraya ay sentro ng husay at galing. Organisador ng iba't ibang akademiko at hindi akademikong aktibidad ang Hiraya para sa bata at kabataan. 



Ang salitang hiraya ay imagination sa wikang Ingles. Mula sa hiraya, ginagawang aktuwal ang pagkatuto ng bata at kabataan. Praktikal na gamit ng kaalaman at kasanayan ng indibidwal ang pinapaunlad ng Hiraya. 


Mahalaga ang hiraya sa pagpapataas ng kompiyansa, kagalingan at kahusayan ng isang indibidwal. Mula sa paggamit ng imahinasyon, nagkakaroon ang isang indibidwal ng kakayahang lumikha ng mga bagay na magiging kapakipakinabang sa pag-unlad ng kaniyang sarili at maging ng komunidad. 

Pinapahalagahan ng Hiraya ang karunungan sa loob at labas ng akademiya. Hinuhubog din ng Hiraya ang magagandang pag-uugali at katangian ng bata at kabataan upang maging mahusay hindi lamang sa isip kundi sa kanilang diwa at gawa. 

Mga Miyembro ng Hiraya

 

Binubuo ang Hiraya ng mga propesyonal at mga boluntaryong indibidwal na eksperto at may sapat na kaalaman at karanasan sa mga aktibidad na inoorganisa. 

32675392_226868984753583_207633659561875

FB Hiraya Pilipinas

email:

hirayapilipinas@gmail.com

Kompetisyon

POSTER MAKING CONTEST



Iniimbitahan ang mga bata at kabataang may edad 8-15 na sumali. Gaganapin ito sa Mini Theater, Bgy. UP Diliman, QC. 

Petsa: Abril 21, 2018

Oras: 10-12 ng umaga

Magrehistro upang makasali sa patimpalak.

STORYTELLING COMPETITION



inaanyayahan ang mga bata at kabataang may edad 8-15 na sumali sa gaganaping Storytelling Competition na gaganapin sa Mayo 2018.

Abangan ang anunsiyo para sa kompletong detalye.

MAGING MIYEMBRO NG HIRAYA



Naghahanap ang Hiraya ng mga bata at kabataan na magboboluntaryo para maging Hiraya Kuwentista. Magkakaroon ng libreng seminar para sa masining na pagkukuwento para sa mga magboboluntaryo. 

Magrehistro upang maging Hiraya Storyteller. 

bottom of page